Monday, 26 February 2018

Paniniwala

Ang mga Pamahiin

1.kapag nalaglag ang kutsara at tinidor ay may darating daw na bisita. Kapag tinidor ang nalaglag ibig sabihin daw no'n lalaki ang darating, at kapag kutsara ang nalaglag daw naman ang darating.

2.kapag magisa ka na lang kumakain sa hapag kainan bawal daw ligpitan kasi hindi daw makakapag-asawa.

3. Bawal daw kumanta habang nagluluto kasi makakapag-asawa ka ng sobrang tanda.

4. Masama daw ang kumain ng walang ilaw, kasi sasaluhan ka ng lamang lupa.

5. Ilagay daw ang libro sa ilalim ng iyong unan kapag matutulog na, para daw hindi mo makalimutan ang iyong pinag-aralan.

Ilan lang ito sa mga paniniwala na itinatak sa atin ng ating mga lola.